Huwebes, Enero 19, 2012

Kwento - Minsan Minahal Nya Si Kuya




Nagsimula ang lahat ng ipakilala si Arthur sa barkada. Si Jeremy ang nagdala at nagpakilala sa amin dahil magkasama ang dalawa sa trabaho. Palibhasa'y magka age sila, sila ang malapit sa isa't isa. Isnabero si Arthur. Palibhasa galing sa mayamang pamilya at medyo brat dahil sya ang bunso sa kanila. Dito nya nakuha ang atensyon ko.

Noong una suplado sya sa akin. Siguro dahil sa lamang ng age ko sa kanya. 15 years ang age gap naming dalawa. Pansinin ako sa grupo dahil makalokohan ako, mabiro, masayahin at masarap kasama. Pero sa kabila ng katangian kong ito, parang no pansin ako kay Arthur at feeling ko, deadma lang sya sa akin. Palibhasa sanay ako sa mga taong mahirap pakisamahan, nagawa ko ang lahat upang lumapit ang loob nya sa akin. Nakita ko na uhaw sya sa kalinga ng mga magulang at kapatid nya. Palibhasa mayaman, bihirang pagtuunan ng pansin si Arthur ng kanyang mga magulang at kapatid. Sinimulan ko ang lahat sa pagiimbita ko sa kanya sa birthday ko. Simula noon, naging palagay ang loob nya sa akin. Kuya ang naging tawag nya sa akin.

Naging constant textmates kami. Walang araw at walang oras na di kami nagtetxt sa isat isa. Ewan ko pero me kakaiba sa taong ito na nagpapasaya sa akin. Siguro nakikita ko ang pagtingin nya sa akin na isang nakakatandang kapatid. Naging magiliw sya sa akin at naging takbuhan nya ako sa lahat ng bagay. Nagmistulang ako ang kapatid at magulang nya ng mga panahong yun. Sa kin sya lagi nagsusumbong pag galit sya sa mga kaibigan nya. Pag me tampo sya sa mga kapatid nya't mga magulang nya ako din ang tinatakbuhan nya. Pag me problema sya sa school or di nya alam ang gagawin, si Kuya pa rin nya (ako yun) ang handang tumulong sa kanya. Kapag naman inimbitahan mo syang kumain sa bahay, mabilis pa sa alas kwatro nandun na sya dahil gustong gusto nya mga luto ko. Gusto pa nya na ipaghahain mo sya at tatabihan sa kanyang pagkain, na animo'y isang bata.

Masaya akong pinagsisilbihan sya kasi nakikita ko na madami sya ipinagbago (of course for the better) simula ng makasama nya ako. Marunong na syang makipagkapwa tao at naging palakaibigan na rin sya at nabawasan ang pagiging suplado. Lumakad ang mga araw na lagi kaming magkasama, kung hindi sya lagi sa bahay, nasa labas kami either nasa mall doing some shopping or nanunuod kami sine. Masyado kaming naging close sa isa't isa at halos di kumpleto ang araw namin ng hindi nagte txt, naguusap sa phone or personally nagkikita. One time nga tanong ko sa kanya, miss mo ba ako? Sagot naman nya, Oo naman!. Kaya simula nun normal na sa amin magsabihan ng I miss you.

Masarap syang kasama. Masayahin, makwento at ugaling bata talaga. He always brings the child in me. Kaya lang porke brat sya, pikon, madaling uminit ang ulo at kulang sa pasensya. Pero sa kabila ng ugali nyang ito, magkasundo kami sa lahat ng bagay. Actually nabago nya ang style ko ng pananamit dahil sabi nya baduy daw ako hehehhehe. By the way, Im a married guy with 3 kids. Close si Arthur sa asawa ko at sa tatlong anak ko.

Isang gabi habang nanunuod kami ng TV sa bahay namin (wala ang mag-iina ko at umuwi ng probinsya), bigla ko na lang kinuha ang kamay nyang magaspang. Hinawakan ko yun ng matagal. We became comfortable that we held hands all throughout the time that we're watching the TV. There was a time pa nga that he went to the washroom then pagbalik nya sa akin, kinuha nya ulet ang kamay ko to continue our holding hands. Mainit at parang me kuryente na bumabalot sa mga palad namin. Di namin maipaliwanag kung ano yun pero kakaiba at alam namin na me nararamdaman kami na hindi namin maamin sa isat isa.

Masaya kaming nagpaalaman ng gabing yun. Parehong kaming nasa cloud 9 at pilit ninanamnam ang napakaromantikong tagpo na yun. From then on, lalung naging madalas ang pagkikita namin. Lalung naging masaya at laging sabik makasama ang isa't isa.

Ika 11 ng Nobyembre 2003, Nagkayayaan kaming dalawa na manuod ng sine. Sabi ko huwag na lng bagkus ay manuod na lang kaming ng DVD sa kwarto nya. Pumayag naman sya dahil gusto nya ring magpahinga that time. Masaya kaming nanunuod at magkatabi pa kaming nakahiga. Nakahilig ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Dahil pareho kami naka shorts that time, di namin maiwasan magkadikit ang mga binti namin. Lagi syang kumikiskis sa mabalbon kong binti. Dahil sa ganung sitwasyon, di ko namamalayan na nagiinit ang buo kong katawan. Marahil pagud sya that time, naidlip sya na nakahilig sa akin. Napatitig ako sa maamo nyang mukha. Hanggang tanungin ko ang sarili ko, bakit parang me nararamdaman ako sa taong ito. Yun ang unang pagkakataon na me naramdaman ako sa isang kapwa ko lalake. Aaminin ko, meron akong naging karanasan sa kapwa ko lalake pero dinaan nya ako sa dahas. Itinuring ko syang bestfriend pero nangyari ang di dapat mangyari dahilan upang layuan ko sya ng tuluyan dahil labag sa loob ko ang ginawa nya. Pero sa pagkakataong ito, iba ang nararamdaman ko. Umiibig ako sa taong ito!

Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kong matapos ang oras na yun na hindi ko sya natitikman. Takot ako dahil baka masira ang pagkakaibigan namin pero tinalo lahat iyun ng init ng nararamdaman ng katawan ko. Balot man ako ng takot at nanginginig, sinimulan kong himasin ang kanyang maamong mukha. Inilapit ko ang aking nagbabagang labi sa kanyang tenga. Pilit kong ipinaramdam sa kanya ang init na nanggagaling sa aking katawan. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng dibdib nya. Lalu akong naginit at naging dahilan yun upang simulan ko syang halikan sa tenga at kanyang leeg. Pinagapang ko ang aking labi mula leeg hanggang sa mga mapupula nyang utong. Naramdaman ko ang mahina nyang ungol tanda na nagiinit na rin sya. Pinagapang ko ang aking dila pababa sa kanyang puson. Pinaliguan ko ito ng halik na naging dahilan ng pamimilipit ng katawan nya. Sobrang kiliti ang dulot nun sa kanya. Duon pala ang pinakamaselang parte ng katawan nya, sa tiyan at sa pusod nya.

Di ako makapaniwala sa nangyayari sa amin. Pakiramdam ko ay tumama ako sa lotto! Ang guwapong kaibigan ko (na gwapo pa sa ibang artista natin ngyon), maganda ang hubog ng katawan at sobrang bata ay nasa harapan ko at niroromansa ko. Mula sa tiyan, tumaas muli ako at pinadaan sa buong katawan aking sobrang init na dila. Tumuloy ako sa mga utong nya at dun ay parang isang asong ulol na hindi magkandatuto kung pano mauubos ang butong nakahain sa kanya. Tumaas muli ako at muling pinaliguan ng halik ang leeg at mukha nya. Kitang kita ko sa pabiling biling nyang mukha na gustong gusto nya ang nangyayari. Kahit napakaganda ng kanyang labi at may mapuputi at pantay pantay syang ngipin, iniwasan kong halikan sya dahil baka ayaw nyang makipaghalikan sa isang lalaki. Ngunit laking pagkagulat ko ng sya mismo ang umapuhap sa labi ko. Naghinang ang aming mga labi dahilan para lalo akong maulol sa pagnanasa. Nagespadahan ang aming mga dila at animo'y mga ahas na walang tigil sa paglilingkisan. Ang tamis ng laway nya... ang bango ng hininga nya... Ang tagal ng aming halikan... aaaaaaaaaaahhhh di ko maipaliwanag ang sarap ng nararamdaman namin ng mga sandaling yun. Siguro makakapatay ako ng sinumang pipigil sa ginagawa namin ng oras na yun. Sobrang lagkit na ng aming mga laway. Pinadudulas ng aming mga pawis ang magkadikit naming hubad na katawan. Ang sarap... ang tamis... walang tigil na laplapan halos mapugto ang hininga namin... Kasabay ng walang humpay na halikan namin ay ang pagkikiskis at espadahan ng aming galit na galit na pagkalalake. At dahil sa sobrang kalibugan ko, kahit me pambaba pa kaming saplot, dahit sa sobrang intense ng laplapan namin at kiskisan ng aming mga galit na galit na alaga ilang sandali lang ay sumabog ang katas ko sa aking brief. Humihingal akong nagbihis habang sya nman ay walang kibo.

Dun ako biglang natauhan. Wala kaming imikang dalawa. Pilit naming hinahanapan ng sagot ang mga nangyari sa amin. Wala syang kibo pero bakas sa mukha nya ang pagkabigla. Pero nakuha pa rin nya akong pahiramin ng brief at damit dahil napuno ng katas ko ang mga suot ko.

Humingi ako ng panumanhin sa kanya at sinabing nabigla lang ako. Nagpahatid na ako sa knya at habang binabagtas namin ang daan pauwi ay wala kaming imikan. Ako na ang bumasag ng katahimikan at sinabing patawarin nya ako sa ginawa ko at hwag syang magalala at di na mauulit yun. Ayoko masira ang pagkakaibigan namin. Wala pa rin syang kibo. Tinanong ko sya kung galit ba sya sa akin. Sobrang guilty talaga ako. Pero aaminin ko nagenjoy ako at ramdam ko talaga na mahal ko ang taong ito. Dahil wala pa rin syang kibo, ako na mismo ang humingi ng dispensa at nagrequest sa kanya na iwasan na naming ang isa’t isa para di na muling maulit ang nangyari sa aming dalawa. Nagulat ako sa bigla nyang isinagot sa akin. Lalu daw syang magagalit kapag itinigil namin ang relasyon namin. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nun. Ako na ata ang pinakamasayang tao ng oras na yun. Feeling ko ay tumama ako sa lotto dahil di ko sukat akalaing pareho kami ng nararamdaman sa isa’t isa. Simula noon lalung nagging madalas ang pagkikita namin. Luvcee ang naging tawagan namin. Parati kaming nagtatawagan, nagtetext ng mga sweet messages at lalung naging madalas ang pagpunta nya sa bahay. Pati ang tatlo kong anak at ang aking asawa ay naging super close na rin sa kanya. Hinahanap hanap na namin sya pag di sya nakakapunta sa bahay.

Lalung naging maiinit ang mga sumunod na pagtatalik namin. Dun sa aming bayan, may dalawang liblib na lugar na pinupuntahan namin at dito namin pinapaalpas ang init ng aming mga katawan. Palibhasa patago ang aming relasyon, puro nakaw ang masasaya naming sandali. Naging saksi ang kotse nya (si Speedy kung tawagin nmin sya) sa lahat ng aming pagtatalik at sa lahat ng aming mga lakad at out of town trips. Sa aming pagmamahalan naging saksi ang mga pinong buhangin ng Boracay, ang mga bulubundukin ng Tanay at Antipolo, ang malinaw na tubig ng Puerto Galera, ang mga hotsprings ng Laguna, malalakas na hampas ng alon ng Zambales, ang romatikong motel sa Pasig, magagandang tanawin sa Subic, mga ibat ibang bayan katulad ng Angono, Taytay, Pampanga, Pasig at marami pang iba. At ang masasarap na kainan at pasyalan sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Wala na akong mahihiling pa ng mga panahong yun. Punong puno ng saya ang lahat ng mga araw na kami ay magkasama.

Ngunit katulad ng isang awit, ang lahat ng bagay ay me katapusan. Dumating ang kinatatakutan ko. Kailangan na nmin magmigrate sa Australia at kinakailangan umalis sa loob ng anim na buwan. Halos gumuho ang aming mundong dalawa. Halos mapugto na ang mga mata namin sa pagiyak. Dumating pa sa punto na gusto na ni Arthur magpakamatay. Parang tumigil ang pagikot ng mundo para sa aming dalawa. Pero kailangan ko talagang umalis alangalang sa kinabukasan ng mga anak ko. Halos bumaha ng luha ng ihatid nya ako sa airport. Masamang masama ang loob nya sa nangyari sa aming dalawa. Para kaming namatayan ng tuluyan ko na syang iwan sa NAIA ng panahong yun.

Ganun pa man, naging constant ang communication naming dalawa. Sa unang 5 buwan, hindi naging hadlang ang layo naming sa isat isa. Natuto kami parehong magcybersex at mag sop dahil sa sobrang kasibakan naming dalawa sa isa’t isa. Madalas na pagkwentohan naming ay ang pagiyak naming dahil sa labis na pagkasabik sa isa’t isa. Nagdaan ang maraming buwan at pakiramdam ko lalung humihirap ang sitwasyon namin dahil taon ang bibilangin kung sakali kami’y magkikita. Batid kong magiging mahirap para sa amin ang long distance relationship at magiging sinungaling ako sa sarili ko kung di ko aaminin na masyado akong makasarili dahil itinatali ko ang isang tao sa isang relasyong walang kasiguruhan. Kaya after months of continued long distance relationship with him, ako mismo ang nagdesisyong magbreak kami pansamantala. Pansamantala, para malimutan nya ako panandalian, yun ang nasa isip ko. Ayaw nya sa umpisa pero wala sya magawa. Nakailang pakikipagdate din at paghahanap ang ginawa nya. Meron syang nakaulayaw na call center representative, meron ding sing-along bar host at meron ding veterinarian. Ngunit lahat sila’y walang nagawa para tuluyan akong limutin ng luvcee ko. Nagpatuloy kami sa ganuong relasyon. Hindi kami pero parang kami dahil panay pa rin ang communication namin at panay pa rin ang mga sweet messages namin. Pero ganun pa man, panay pa rin ang sulsol ko sa kanya na maghanap ng ibang papalit sa puso ko. Basta ang sabi ko lang sa kanya ay para malibang sya pansamantalang wala ako pero sa bandang huli ay umaasa ako na kami pa rin. Pero takot sya dahil baka daw sya main love ulet. Ngunit malakas ang paniniwala ko na kami pa rin hanggang sa huli kaya pumapayag talaga akong maghanap sya ng bagong mamamahalin.

Ngunit dumating ang oras na ikinatatakot ko. Nakipagkita ang luvcee ko sa isang tao na nameet na nyang minsan at medyo attracted sya. Attracted sya dahil according to him, halos kahawig ko ang lalaki at pitong taon ang tanda sa kanya. (Mahilig talaga sa matanda ang luvcee ko hehehehe.) Ayon sa kanya nuong una ang plano nya itry lang daw ang taong ito. Pero nagkamali sya dahil the first time na nagkasama sila at nagkatikiman, clik agad sila at gusto na nila ang isa’t isa. Di naglihim sa akin ang luvcee ko. Sinabi nya lahat sa akin ang bago nyang natagpuan. Ang lahat lahat ng nangyayari sa kanila kahit nga ang lovemaking nila at mga positions na ginagawa nila at kung saan nila ginagawa. Masakit sobra para sa akin ang lahat ng ‘to. Ang buong akala nya ayos lang ako pero halos mamamatay ako ng panahong yon. Di makakain, Di makapagtrabaho ng maayos at isip ng isip. There was a time pa na kamuntik na akong masagaan dahil sa kakaisip sa luvcee ko. Di ko mapigilan ang umiyak at matulala nuong mga panahon na yon. Pero sino ako para pigilan sya sa kaligayahan nya. And to think na ang nakuha nyang kapalit ko ay isang binata at walang sabit. Isang out sa kanyang pamilya at kaibigan at handa syang pakasalan kahit kalian nya gustuhin. Lahat ng hindi ko maibigay sa luvcee ko ay naibibigay lahat ng bago nyang mahal. Napakasakit sa akin dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sa bandang huli kami pa rin ng luvcee ko.

Until now nagiisip pa rin ako ng paraan para madala ko sya dito Australia sa paniniwalang madurugtungan ko ang aming naputol na kaligayahan. Pero parang suntok na sa buwan ang mga iniisip at pinaplano ko dahil sa ngayon patuloy pa rin sya nakikisama sa bago nyang mahal. Actually kakacelebrate lang nila ng 1st year anniversary nila at may plano silang magpakasal in the near future. Out na rin sya sa pamilya nya at mga kaibigan kaya pinagalitan at tinakwil sya pansamantala. Kaya dahil dun, naglive in na silang dalawa. Ngayon ay bati na sila ng mga magulang nya pero di pa rin tanggap ang pakikipagrelasyon nya sa kapwa lalaki. Masaya sya ngayon ramdam ko yun. Dahil nakita nya lahat ang hinahanap nya sa isang lalaki. Binata, pwede syang maipagmamalaki kahit kanino ng hindi itinatago at higit sa lahat ay mahal na mahal sya. Sa tatlo, isa lang ang pinagkapareho nmin ng bago nyang mahal, yun ay ang mahal na mahal sya. Talo nya ako dahil may asawa ako at hindi ko sya kayang maipagmalaki dahil tago ang relasyon nmin.. Pero kaya kong makipaglaban kung lalim ng pagmamahal ang paguusapan dahil minahal ko ang luvcee ko ng higit pa sa sarili ko. Nang umalis ako sa Pinas, iniwan ko dun ang puso ko dahil sa kanya, sa paniniwalang balang araw, ipagpapatuloy namin ang aming pagmamahalan hanggang kamatayan.

Ngayon patuloy pa rin ako nangungulila sa luvcee ko. Di ko pa rin mapigilan ang maiyak. Actually habang tinatype ko ang kwentong ito ay walang humpay ang pagtulo ng luha ko. Masakit pero kailangan kong tanggapin.

Although until now, patuloy pa rin ang communication namin pero bilang magkaibigan na lang or bilang kanyang Kuya na lang. Pero isang bagay lang ang nanatili magpahanggang ngayon, sya pa rin ang pinapangarap kong makasama sa paglubog ng araw. Gaano ko kamahal ang luvcee ko? Pagbinuksan mo ang dibdib ko wala dun ang puso ko dahil pagnagmahal ako, binibigay ko lahat, pati na ang puso ko.

Di ko alam kung ano mangyayari sa dako pa roon pero isang bagay lang ang alam ko, mahal na mahal ko si luvcee hanggang ngayon at di yun magbabago hanggang kamatayan at alam ko kahit na me mahal na syang iba ngayon, sigurado ako, MINSAN MINAHAL NYA SI KUYA...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento